Ano ang nauna itlog o manok? Ako ang tatapos!
Tag: Barbers
Panahon pa yata nila Asyong Daldal at Huseng Sisiw, ang issue sa kung ano ba talaga ang nauna itlog o manok? bata, matanda, babae, lalake, bakla, tomboy, mahirap, mayaman, lasinggero, manyak, adik, tanga, mukhang tanga, loko-loko at nagpapaloko...lahat na sila nagtalo!
Sabi nila itlog daw ang nauna ayon sa science, kasi naniniwala sila na ang lahat ay dumadaan sa isang proseso o transpormasyon na tinatawag na metamorphosis. Mula sa itlog, ito ay mapipisa at lalabas ang isang sisiw at pagtagal ay magiging manok.
Ang iba naman ay sinasabi na nauna ang manok dahil ito ay likha ni Bathala at nilagay sila sa mundo bilang isang manok na...sabagay may punto rin sila kasi kung ikaw si eba o adan, hihintayin mo pa bang mapisak ang itlog at lumaki ang sisiw para lang makakain ng inihaw na manok? matitiis mo bang kumain ng isdang kasing liit ng dilis? Saan manggagaling ang mga kabayo, kalabaw, baka, baboy atbp.? sa lupa? ano yun kabute?
Pero sa totoo lang wala naman talaga akong pakialam kung ano ang nauna, itlog o manok? pati ba naman ako? makikiloko pa dyan sa tanong na yan na ilang henerasyon na ang pinagdaanan?
Ewan ko nga kung bakit nasingit ko pa tong article na 'to, humaba pa tuloy ang sinulat ko at di ko masingit singit yung nag-iisang punchline na gustong-gusto ko ng banggitin sa umpisa pa lng!
OK sige para matapos lang, ako ang tatapos!
Ano ba talaga ang nauna? Itlog o Manok?
Sagot: Wala sa dalawa! ang nauna...BUHOK!

1 comment:
haha..di ko na gets yun a..bakit buhok?
Post a Comment