Adventure of James Band (Operation pagpag-wagwag 7-11)
Tag: True Story
James Band? wrong spelling ba ko? hindi...band short for "banda" (as if you're looking for a place, you know?!) teteng! kaylangan pang englishen eh!
Nangyari to uwian pagkatapos ng eskwela, huwebes, mga 4:30 ng hapon, 2nd year..teka 1st year lang pala ako nun. Sa eskwelehan ko dahil private, oras na maubos ang estudyante ay sinasara na ang lahat ng gate ng buong paaralan. At dahil minamalas ako nung araw na iyon, naging pasaway si testosterone at gustong dumura ng alaga kong si Tweety bird (syempre bata pa ako noon) pero nung college nako, lumaki na siya naging si Big bird at sa kasalukuyan siya ngaun si Mulawin, yun ay kung galit siya dahil nakita nya si Ravena pero pag mahinahon naman siya ay bumabalik siya sa pagiging Pokemon.
Shit! wala ng bukas na gate, ihing-ihi nako! nag-ala James Band ako at pinagana ang isip kung saang banda may hinayupak na CR...hindi rin naman kasi pwede sa gilid-gilid dahil maraming tao nung hapon na un.
Yes! parang cartoons na may biglang nag pop-up na bumbilya sa tuktok ng ulo ko...nagmadali akong tumakbo sa naisip na destinasyon. Bawat segundo'y mahalaga pero syempre hinay-hinay lang at alalay sa paglalakad at baka pag nausog at magka-leak ang tubo ay magkanda leche na, dahil mahirap ng pigilan to.
Sa likod ng Simbahan! (yun ang simbahan ng paaralan namin), biglang umurong ang ihi ko habang papasok sa CR dahil katabi nito ay isang maliit na sementeryo kung saan inililibing ang mga namatay na pari at mga nagsisilbi dito. Magdidilim na at kritikal na rin ang kalagayan ng mga ugat ng alaga kong si tweety, pakiramdam ko nakapasok ako sa time space warp ni Fuma Lehar. Hindi ko alam kung namumutla ako dahil sa takot na baka may huminga sa batok ko o dahil pagod nakong magpigil ng ihi...
Lakad uli ako ng mabilis papalabas ng eskwelahan habang lumulunok ng malagkit kong laway at nakahawak sa pundya ng pantalon. Hindi uso ang CR sa mga fastfood dun samin. Alam ko na!, sa Tayuman Center (isang mini-mall sa harap ng school) sa 3rd floor! malapit sa peborit kong videohan! Yes!...di lingid sa kaalaman ko ang sitwasyon ng nasabing banyo, pero titiisin ko na lang humithit ng nakaka-aning na panghe ng inidoro kesa naman makipagsapalarang maka-engkwentro ang mga maligno sa simbahan.
Salamat sa Technology at may elevator ang mini-mall, medyo mabagal ang elevator kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang isandal ang pawisan kong noo sa harap ng control panel ng elevator. Alam ko sa mga panahong iyon na anumang segundo ay bubulwak na ang malakas na agos ng ihi na pwede nang pampatay ng siga...nakarating nako sa banyo! walang dalawang -isip ay ibinaba ko ang zipper at handa ng ilabas ang pagod ng magpigil na alaga...parang matrix ang pakiramdam ko nun, alam ko na sa isang palyadong kilos ay malilintikan ako...at nangyari nga!...hindi ko nailabas ng lubusan si tweety at tuluyan ng umagos ang Pasig River sa itim kong pantalon. Nung oras na yon ay naniwala ako sa kasabihang "Bahala na bukas...", gusto ko man syang pigilin ay kusa itong nagpahayag ng kanyang kalayaan...para akong sanggol na nakatikim ng masarap na hele mula sa aking ina....Woooooossshhhh!....
Naubos din ang lintik! ngayon pano na?!
Mission: Operation Hugas Lansa
Dali dali kong inangat ang isang binti ko sa washing area ng CR ng sa gayon kahit papaano ay mabawasan ang panghi ng aking pantalon, ganun din ang ginawa ko sa kabilang binti at syempre sa gitna...basang-basa ako...piniga ko ang pantalon ko habang suot-suot ito...naisip ko na hindi ako pepwedeng sumakay ng jeep na basa dahil mapapansin ito ng katabi, mas mamalasin ka kung kaklase mo pa ang makakasakay mo...Isip...Isip...Yun!
Dali-dali akong bumaba palabas ng mall para dumeretso sa 7-11...Malamig!...giniginaw ako!....brrrrrrrr....lahat na yata ng parte ng katawan ko basa dahil na rin sa pawis kaya siguro ganun na lang katindi ang panginginig ng buo kong katawan.
Mission: Operation pagpag-wagwag
Kaylangan kong magtagal doon ng kahit 30 minuto lang, at dahil limitado lang ang baon ko, wala nakong pera pambili kahit mani man lang masabi lang na customer ako, dahil ang natitira kong pera ay para sa pamasahe na lang. Bigla ko tuloy naisip , totoo kayang may hidden camera dito?...lakad dito...lakad doon, punta sa dairy section, sa beverages, sa mga potato chips, sa accessories, at pang huli sa salukan ng slurpee. Tangina! basa pa rin... medyo swerte na rin ako nung araw na un dahil biglang nagpatugtog ang Dj ng radyo ng masayang kanta ("Bye Bye Bye" ng Nsync yata yun kung naaalala ko pa)
Sinamantala ko ang tugtog at sumabay sa beat habang kumo choreo sa pag-pagpag at pag-wagwag ng pantalon...paulit-ulit...hanggang sa natapos na ang kanta. Muli kong kinapa ang pantalon ko...thank you Lord! sabi ko, medyo tuyo na...pwede na rin. Sabay labas ng 7-11 at sabik ng makauwe dahil sa gutom at kahihiyang inabot.
Sa harap ako ng jeep sumakay, bandang labas dahil may aleng nauna sakin...akala ko ay nasa panig ko na ang kapayapaan ng isip...nang biglang uminit ang mga binti ko at unti-unting sumingaw mula sa pantalon at naglabas ng mapanghing amoy!...patay malisya...parang napansin na ni ate, dahil nakita kong medyo sumisinghot-singhot ang ilong nya gamit ang mga mata ko na parang nangongopya kung tumingin...
it's now or never!
Sa takot na mahusgahan, ay agad kong isinandal ang aking ulo sa gilid ng jeep at nagtulug-tulugan!

No comments:
Post a Comment