"Meron Meron Linta"
(Originally Leron Leron Sinta)
Tag: True story
Meron meron linta
Nagtago ka na ba?
Pagkat andyan na sya,
Hinahunting ka na!
Hahuntingin ka niya,
Kahit san magpunta.
Kahit mag-CR ka,
Nakasunod na siya!
Pag-araw ng sweldo
I-separate mo na,
Ang pang McDo nila
Naka-ready na ba?
Dahil sa kung hindi,
Ay mayayari ka!
Bebentahan ka niya
Ng saging o mangga!
Ang aming Proteksyon
masyadong mabilis
sa pangongoleksyon
hindi nagmimintis,
at kung makaligtas
yari ka sa lunes,
di ka tatantanan
parang Mike Enriquez !
-----------------------------------------------------------------------------------
Ang siste:
Kung baga sa pelikula, eto ang sequel ng buhay na sinapit ko sa babaeng nabanggit sa unang kwento...kinanta mo ba? kinanta mo eh?! kasi kung hindi mo alam ang tono ng leron leron sinta ay mapapaniwala mo ako na pwede kang tumuntong ng highschool at college nang hindi dumadaan ng elementary.
Alam mo ba na sa sampung tao na pinagbasa ko ng kantang ito, siyam ang nagsabing "Oo" kinanta daw nila, isa lang ang nag-traydor sa maamo kong tanong...di raw siya marunong magbasa! Intsik pala ang gago!...Malay ko ba na instik ang mukhang tindero ng fishbol na un.

No comments:
Post a Comment