Pilipino ka ba?...Pardon?...Never mind...Leche!
Tag: True Story
Sinasabi nila na ang English ay ang Universal Language. May kasabihan pa ngang "Speak English for Global Competitiveness”. Well, in reality totoo naman talga dahil sa panahon ngayon communication ang isa sa mahalagang factor sa pag-asenso. Dapat matuto kang makisalamuha at makipag-usap sa ibat-ibang klase ng tao para lumawak ang iyong ekspiryensya at kaalaman sa mga bagay-bagay. Hindi ka rin agad-agad matatanggap sa isang kumpanya kung ang istilo ng pag-iingles mo ay mala-Jimmy Santos ang dating. At siguradong lalamunin mo ang sarili mo sa kahihiyan habang nasa harap ka ng mga kaklase mong mapanlait kung tumingin at pabulong na nagtatawanan dahil hindi mo na namalayang isang minuto ka na palang hindi nagsasalita, kasi pinapadescribe sayo ng titser mo ang sarili mo sa English in 2 minutes, at ang tanging nabanggit mo lang ay…maaaay….neeeym….iiiiissss….Jimmy Santos,…aaayyymm....12 yiiiirrrss….ooolllldd……aaaahhhmm….aahhmm…….. ……(nag-iisip habang nakatirik ang mga mata sa kisame at nagsasalitang mag-isa na parang tanga)
Pero kung iisipin, ang pagkabihasa ba sa paggamit ng wikang banyaga ang solusyon para umasenso at umangat ang ekonomiya ng isang bansa? Ano ang epekto nito sa pangkaraniwang mamamayan na abala sa paghahanap-buhay upang may ipangtawid gutom ang malnourished nilang mga anak?
Bakit ang mga karatig bansa natin sa Asya, na matagumpay na naiangat ang ekonomiya ng kani-kanilang bansa ng hindi binibigyan ng mabigat na prayoridad ang paggamit ng wikang ingles, tulad na lamang ng Japan, Singapore, Korea, atbp. ?
Isa ba itong insulto sa lahing Pilipino o sa gobyernong namamahala dito? Naturingan tayong 3rd largest English speaking country in the world (hindi na ako updated dahil humahabol na sa listahan ang ibang bansa tulad ng China) pero nasaan tayo ngayon? Kasama tayo sa mga nangungulelat bilang pinakamahirap at corrupt na bansa sa buong mundo! Hindi ako aktibista o miyembro ng NPA, o kasama sa tribu ni tasaday…isa lamang akong ordinaryong mamamayan na nakakakita sa ganitong maliliit na problema pero maaring maging matinding sakit ng lipunan.
Saan na napunta ang famous line ng ating pambansang bayani na “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”, in English “Eeeew!”…dahil naniniwala ako na kahit ipinanganak ka sa sariling lupa at wikang Filipino ang ginagamit mo sa pang-araw araw, hindi nangangahulugang ikaw ay bihasa na sa paggamit nito at nagagamit mo ito ng maayos, minsan sumasablay din…
Ikaw naniniwala ka ba? Pilipino ka ba?...Pardon?...Never mind!...Leche!
Eto ang ilan sa mga halimbawa na ayon sa tunay na buhay na aking personal na naranasan…
Eksena 1: (sa trabaho)
Katrabaho: hoy seph! sandali lang ako, pakibantayan naman ung post ko ha!
Ako: ha bakit?!
Katrabaho: CR ako!
Ako: ha?! (sabay takip ng ilong) sige lumayas ka na! at baka mai-flush pa kita!
Eksena 2: (sa canteen)
Kaklase: tara bili na tayo!
Ako: ok!
Kaklase: ako Hotdog!
Ako: ano?!
Kaklase: basta ako Hotdog!
Ako: hotdog ka?! Kelan pa? kelan ka naman babalik sa pagiging tao?
Eksena 3: (sa computer shop)
Nasalubong ko ang isang kaibigan na lumabas ng computer shop malapit sa amin…
Kaibigan: uy! pare san ka galing?
Ako: sa trabaho bakit? pauwi na…ikaw san ka galling?
Kaibigan: sa computer
Ako: ah ganun ba…sige uwi nako baka ma-print pa kita sa cocomban! (coupon bond)
Eksena 4: (sa bahay)
Mommy: Zeus, punasan mo nga ng pawis yung kapatid mo, kawawa naman…
Ako: (tamad na sumunod sa utos at lumapit sa kapatid, sabay nilapit ang ulo ng kapatid at pinahid ang ulo sa pawisan na dibdib)
Kapatid: mommy!!!
Mommy: ANONG GINAWA MO!
Ako: (tumatawang sumagot sa ina) sabi mo punasan ko ng pawis?!!!
Subalit, kahit ako ay hindi nakaligtas mabiktima ng maling paggamit ng mga salita…pero yung sa akin kakaiba…mas malala!
Eksena 5: (sa private pool –Inihaw na Bangus”)
Ako: ate paabot naman nung isda…
Ate: alin dyan?
Ako: yung Iningaw na Bahus
Ate: Iningaw na Bahus? (sabay tawang pang-asar) o, eto na iningaw na bahus!
Eksena 6: (sa isang call center- “Date of Birth”)
Ako: Sir before we proceed, I just need to verify your address…
Customer: 459 Simon St. Sampaloc, Manila
Ako: thank you! And how about your dirth of bate?
Customer: ha?!!! Anong dirth of bate?!
Ako: (sabay mute sa telepono at walang humpay na tumawa…narinig pala ng katabi ko kaya naki tawa na rin)

1 comment:
dirth of bate!
the best!
LOL
Post a Comment