Layas Tayo! by Virus Artists
(Originally Biyahe Tayo! by Various Artists -WOW Philippines)
Tag: Barbers
I.
Ikaw ba'y nanghuhuthot, nangingikil, nananakot? Ikaw ba'y napapagod araw-gabi'y puro kadyot. Buhay mo ba'y walang saysay? palamunin, isang tambay. Bawat araw ba'y pareho, meron pa bang pagbabago?
Chorus:
Tara na takas tayo! Isama ang pamilya, barkada at buong tropa para solve na ang problema. Halika layas tayo! ng hindi makita ang pangit na Pilipinas, nakakainis ang Pilipino!
II.
Napasyal ka na ba sa eskinita ng Ermita?, sa mga sulok kanto ng Tundo, mga kalsada ng Binondo, namasdan mo na ba ang mga pusher sa Luneta?, maruming kanal, mapanghing balon, bitch na nagkalat sa La Union.
Chorus:
Tara na layas tayo! upang hindi matamo, pag-aaway at sisihan mula sa mga kababayan. Halika layas tayo! ng hindi makita ang pangit na PIlipinas, nakakainis ang PIlipino!
Rap:
From city to city, 7000 and a hundred trash islas sa mabahong Pilipinas. Luzon, Visayas, Mindanao...wag niyong puntahan, maging dayuhan sa ating sariling bayan!
II.
Nasubukan mo na bang mag-raket sa Baclaran?...Kumain na ng isaw, ang siopao laman meow. Natikman mo na ba tokneneng ng Divisoria?, paang ihaw, sago't gulaman na di alam ang pinanggalingan.
Chorus:
Tara na Layas Tayo! ng makaiwas kahit pa'no, sa kahihiyan na aabutin ng ating kapwa Pilipino. Halika Layas Tayo! ng hindi makita ang dungis ng PIlipinas...nakakainis ang Pilipino!
Bridge:
Nakiisa ka na ba sa mga riot sa EDSA?, sa Moriones may saksakan, at nakawan sa may Caloocan. Tumirik ka na ba sa binabaha na Marikina?, nadukutan sa may Recto, naharang sa Baseco!
Repeat Chorus 2 & 3...
Halika Layas Tayo!...(fade)

No comments:
Post a Comment